Sunday, January 21, 2007

bituing walang ningning

may mga bituing walang ningning.
andun lamang sila,
sa kalawakan.
nananahimik, hindi umiimik.
hindi nagpaparamdam,
ngunit nagmamatiyag.

sila'y mga bituing walang ningning,
nagtatago sa likod ng liwanag ng iba.
nagpupumilit na mangitim sa kadiliman.
at ayaw magpapansin, ayaw magpakita,
ayaw, magningning.

may mga bituing walang ningning,
na nanood lamang.
hindi nakikibahagi, hindi nakikiisa,
hindi nagbibigay init.
sila'y malamig, at walang pakialam.

pero minsan may mga dumarating,
at sa kanilang pagdating,
ang mga bituing walang ningning
ay biglang naguumapaw ng liwanag,
sobra-sobrang ningning,
na sobra-sobrang init,
at sobra-sobrang kislap.

at ang mga bituing ito,
na minsa'y walang ningning,
ngayo'y nag-uumapaw,
at nagsasaya,
at nagungungutitap,
at higit sa lahat,
nagniningning,
doon sa kalawakan na puno ng mga bituin.







sorry, had to get this out, wouldn't let me rest...

No comments: